Intro: G-Bm-C-D 2x
G-Bm-C-D
A-beinte k'watro ng disyembre, alas nuebe ng gabi
Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa
Tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay,
Iipunin ang bigay para mamaya may tagay
Koro
Bm-Em-C-D 2x
Karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin at simoy ng hangin
O karoling simbulo ng pagka-inipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
G-Bm-C-D
Habulan na nga sa tono, hahabulin pa ng aso
'Pag tsik ang nasa bintana harana ang sadya
Okey lang kahit patawad o inumin na lapad
Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami
Ulitin Koro
Tulay
Bm-C-Bm-C-Bm-C-D
Ang aming pagbati sana ay manatili
Ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko
May kj at nagmumura masakit lang daw sa tenga di yata nila alam
Araw 'to ng pagbibigayan ,pagmamahalan kahit ngiti man lang sa amin ay galak
Meron pang palakpak
Balik sa Koro :
Written By : ARNOLD TRANGIA