Quatro anos de trabalho duro!Neste mês de maio fizemos quatro anos no ar. Continuamos trabalhando na divulgação deste maravilhoso instrumento, obrigado por participar da nossa história!
Verse 1 EF#mAB Sumibol sa isang panahong marahas EABE Bawat pagsubok ay iyong hinarap ABEC#m At hangga’t laya’y di pa nakakamtan ABE Buhay mo’y laging laan
Verse 2 (chords same as verse 1) Namumukadkad at puno ng sigla Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma At di maiwasang sa’yo ay humanga Ang tulad kong mandirigma
(Refrain) ABEC#m Ako’y nangangarap na ika’y makasama ABEC#m Taglay ang pangakong iingatan kita ABEC#m Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa ABA-B-E Hinding hindi kukupas, di malalanta
Verse 3 (chords same as verse 1) Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo Nagbibigay-buhay sa bawat puso Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting Sa laranga’y kislap ng bituin
(Repeat refrain twice except the last 2 words)
BC#m di malalanta...
ABA-B-E Gaya ng pag-ibig na alay ko sinta
TUGON
Ika’y paru-parong nangahas lumipad Sa dilim ng gabi pilit na umalpas Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas Sa aking mundo’y napadpad
Katulad ng iba ay nagmamahal din Kahit malayo ay liliparin Upang pag-ibig mo’y iparating Sa rosas ng iyong paningin
(Refrain) Ako'y nagagalak at tayo'y nagkassma sa bawat pangarap sa piling ng masa magkahawak kamay sa pakikidigma para sa isang lipunang malaya
Kung mayro'ng unos at bagyong dumating at tatag ng pag-ibig nati'y subukin sa isa't-isa'y hindi hihiwalay digma'y ipagtatagumpay