summit na maganda
VERSE 1:
G-A-C-D
pasensya miss ikaw ang nasa isip
napadulas ka sa aking panaginip
nakangiti kahit napapagod
pintig ng puso ko'y lumalagabog
VERSE 2:
ayos dito lupa'y natutuyo
nakatago naman sa elemento
ang pwesto tila tabingi
usap naman tayo kahit sasandale
chorus
ikaw na nga at sa aking kanta
dito sa summit na maganda
tanggal lunkot lahat ay masaya
dito sa summit na maganda
VERSE 3:
daming bituin lahat nagniningning
simoy ng hangin malakas ang dating
mga tanawin landas na tatahakin
heto ako giliw at kumapit ka sa akin
(chorus & adlib)
(back to VERSE 1 & chorus)
rap:
G-A-C-D
sinag ng araw sa timog silangan
dito binuo mabuting samahang
kapatiran, ito ang dahilan
pagtrato sa kapwa naging sandigan
malaya, tunay na pinagpala
sa gitna ng bubong dito may tala
ako si br.voluntah nangungumusta
tara,halika na sa kalasag na samasama
tumindig mga kaanib ngayo'y humanda ka
hugasan ang kamay para di magkasala
ingatan ang poon sa mahabang pursisyon
baka tamaan ng siko't tuluyang matapon
isang kalipunang walang pinagtataluhan
iabot mo na pampalasang digmaan
katwiran, iyong patunayang......
masarap sumalo at kumain sa dahon ng saging
lalo na't may tuyo kamatis at ng laing
lagyan ng sabaw ang tutong na kanin
sawsawang suka na may siling labuyo
wag sanang kalimutan kalamansi at toyo
(back to chorus)
ang buhay lagyan natin ng konting
kulay, sa kahit ano mang
bagay, kaya ilagay mo na itong
gulay
di ka magkakaroon at di ka mawawalan
wag kang maglalapit wag kang maglalayo
mauna ka at sundan mo ako
tumakbo ng matulin sa simbahan ang tuloy
isulong mo ang kahoy at mag ingat ka sa paso
gusto kong uminom sa pitchel na may yelo
pagsaluhan ang ulam at bitin na saing
samahang matatag ,alang katapat,di mawawala,tunat na sangkap
(back to chorus)
sa summit na maganda (2x)
br.Voluntah 68'
http://hikingsongs.blogspot.com/